101

By

Pacquiao namigay ng pera sa Bacolod, MPBL

Natuwa ang ilang Bacoleño sa pagpunta at pamimigay niya ng pera ni Senador Manny Pacquiao sa Bacolod.

Kahapon, Setyembre 20, 2019, dumating ang Pambansang Kamao sa nasabing lugar mula sa Iloilo kasama ang kabiyak na si Jinkee para manood ng laro ng Bacolod Master Sardines kontra Soccsksargen sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na gaganapin ngayong Sabado ng gabi sa University of St. La Salle-Bacolod.

Nananghalian ang senator at misis sa 18th Pala-Pala at 18th Street nang lapitan ito at dumugin ng higit 200 Bacoleño.

Nang malaman ng fighting senator na karamihan sa mga ito ay biktima ng sunog kamakailan sa dalawang barangay sa lugar ay inabutan niya ang mga ito ng tulong. Sa report ay tig-isang libong piso kada isa ang binigay ng boxing champ.

Labis naman ang tuwa ng mga residente at pinasalamatan ang pagbibigay-tulong ni PacMan sa kanila.

Taong 2017 nang itatag ni Pacquiao ang MPBL at nais nitong mapanood ang unang home game ng Bacolod Master Sardines. Plano din umanong bumalik ng senador sa Bacolor para manood uli ng second home game.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?