746

By

Pacquiao nagpatama kay Mayweather? Mga ka-match ko lang lalabanan ko!

Matapos magwagi ni Floyd ‘Money’ Mayweather sa Japanese kickboxer na si Tenshin Nasukawa, nag-post ang ‘Pambansang Kamao’ na si Manny Pacquiao ng malamang New Year’s resolution.

“Here is an early New Year’s resolution. To continue to only fight experienced opponents who are my size or bigger. @PBC @TGBPromotions @SHOSports @ShowtimeBoxing @MGMGrandGarden @AXS #PacquiaoBroner,” saad sa tweet ni Pacquiao.

Matatandaan na apat na pulgada ang lamang ni Mayweather Jr. sa Japanese counterpart, kaagad na dinomina ito sa first round ng pabagsakin ng tatlong beses bago mag-throw the towel.

Pinagbawalan din sa pagsipa ang kickboxer, mamumultahan kapag magtangka ng sipa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?