261
Pacquiao, Mayweather muling nag-krus
By ,

Pacquiao, Mayweather muling nag-krus

Muli na namang nag-krus ang landas nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. sa Arlington, Texas matapos kapwa panoorin ang laban sa pagitan nina Errol Spence, Jr. at Mikey Garcia.

Unang lumapit si Mayweather kay ‘Pacman’ at binati niya ito bago tuluyang maghiwalay at nagpakuha pa ng litrato ang dalawa.

Sa muli nilang pagkikita, umugong na naman ang balita sa maaring rematch nila, na ayon kay international matchmaker Sean Gibbons, ang bakbakang Pacquiao at Mayweather ang isa sa pinakamagandang laban na maari nilang ibigay.

Matandaan na sinabi na ni Pacman na gusto niya ulit lumaban ngayong Hulyo pero wala pang siguradong makakaharap ito.

Matunog ang pangalan ni Spence matapos nitong madepensahan ang kanyang International Boxing Federation (IBF) welterweight title pero hindi pa aniya ito sigurado.

“We will be talking with Al Haymon soon and we’ll see this week,” sabi ni Gibbons.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?