80

By

Pacquiao maayos na ang lagay

Matapos ang mainit na bakbakan nina ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao at American Keith Thurman nitong Linggo (Manila time), ayos na ang lagay ng bagong WBA welterweight champion.

Ibinahagi ni international matchmaker Sean Gibbons nitong Lunes (Manila time) ang lagay ni Pacquiao matapos ang sagupaan sa MGM Grand, Las Vegas.

Kwento nito sa mga Filipino scribe, “this morning, the guy was smiling, joking. He was in the bathroom shadowboxing. I’m not concerned at all.”

Dagdag pa rito, cleared na rin si Pacquiao sa Nevada State Athletic Commission (NSAC).

“(NSAC) is very thorough. If they see anything that could be of concern, they send you to a hospital. It’s not your choice,” sabi pa ni Gibbons.

Hindi rin malala ang natamong eye injury ni Pacquiao, ayon dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?