2,238

Mar 28, 2020 @ 18:30
By

Pacquiao kay Brgy. Dasmariñas chairwoman: Paano lumabas sa social media letter mo sa pamilya ko?

Sinagot ni Senador Manny Pacquaio ang liham na pinadala sa kanya ng chairperson sa kanyang tahanan sa eksklusibong barangay sa Makati.

Sa kumalat na kopya ng liham ni Barangay Dasmariñas chairperson Rossana Hwang tinukoy nito na person under monitoring na ang senador makaraang mag-viral ang larawan nito kasama ni Senador Koko Pimentel na kuha umano sa kanyang tahanan.

Nilinaw ito ni Pacquiao, “The person that you may have been referring to, wherein I was seen interacting with Sen. Koko Pimentel and other officials, was a political meeting with PDP-Laban members in my residence. This event happened on Marh 4, 2020. I am sure our Dasmarinas Village guards have records of this if only a proper verification was made.”

Pinaliwanag din ng senador na hindi umano pakikipag-‘party’ ang kanyang ginawa, salungat sa pinahayag ni Hwang.

“It was a politival meeting. The word ‘partying casts me as someone insensitive to the current crisis of the nation,” sabi pa ng senador.

Pinuna rin ng mambabatas ang pagkalat ng liham ni Hwang sa social media, gayong nakalaan umano ito sa kanya. Aniya, “I will refer to the appropriate agency for proper investigation to avoid the same incident from happening.”

Narito ang kopya ng buong liham ni Pacquiao:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?