60

By

Pacquiao gaganap na Col. Peralta sa pelikulang ‘Freedom Fighters’

Kabilang sa listahan ng gaganap sa nilulutong pelikulang “Freedom Fighters” ang ‘Pambansang Kamao’ na si Senator Manny Pacquiao.

Ang fighting senator ay gaganap bilang si Col. Macario Peralta Jr., isang leader ng Philippine guerillas’ resistance kontra sa Japan sa Panay Island noong World War 2.

Inihahandog ang proyektong ito mula sa memoirs ng one Louise Spencer, isang amerikano na tumira sa kung tawagin ay ‘Hopevale’ noong kaganapan ng gera. Nabuo rin dito ang isang komunidad kung saan pinangungunahan ng mga amerikano upang tulungan si Peralta at ang pwersa nito laban sa mga hapon.

Ang pelikula ay bubuoin ng Inspire Studio kasama ang isang “major US Studio” mula sa statement na ibinigay mula sa Inquirer.net.

Magsisimula ang produkson ng pelikula sa susunod na taong 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?