279

By

Pacquiao ga-graduate na sa kolehiyo

Makakapagtapos na ng kurso niyang Bachelor of Arts in Political Science si Senador Manny Pacquiao.

Nakatakdang tanggapin ni Pacquiao ang kanyang diploma sa University of Makati sa Disyembre 11.

Major in Local Government Administration ang pinag-aralan ni Pacman.

Magugunitang binahagi ng Pambansang Kamao sa kanyang Instagram account ang desisyon niyang makatapos ng college degree noong September 6.

“Never stop learning because life never stops teaching,” sambit ni Pacman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?