92

Pacquiao: Donasyon niyo dodoblehin ko!

Labis na nalungkot at naapektuhan si World Boxing Association (WBA) super welterweight champion Senator Manny Pacquiao sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Taal Volcano nitong Linggo.

Kaya naman, nanawagan ang ‘Pambansang Kamao’ sa lahat ng may ginintuang puso na mag-donate ng kahit anong halaga at dodoblehin umano niya ito.

“Whatever we raise,” sabi ni Pacquiao sa video message nitong Huwebes. “All the donations, whatever it costs, I will double that so we can help more people.”

Nitong nagdaang Linggo ay sumabog ang Taal Volcano at umabot sa iba’t ibang probinsiya ang ibinuga nitong ashfall, pinakaapektado ang mga taga-Batanggas na ilang araw nang walang kuryente, tubig, pagkain at damit.

Hanggang sa oras na ito ay hindi pa rin inaalis ang posibilidad ng mas malakas na pagsabog o major eruption kaya umaapela ng tulong ang nag-iisang eight-division champion.

Kilalang malambot ang puso at matulungin ang 41-anyos na champion boxer dahil siya mismo ay nagmula sa hirap.

“I’ve experienced not having anything to eat and not having a place to sleep,” sabi pa ni Pacquiao.

“These people need our help.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?