201

Feb 13, 2020 @ 20:31
By

PacBoy Jimuel nahirapan sa breakup kay Heaven

Nahirapan ang anak ni ‘Pambansang Kamao’ na si Jimuel Pacquiao nang una silang maghiwalay ng aktres na si Heaven Peralejo.

Agosto 2019 nang kumpirmahin ni Heaven na hiwalay na ito kay Jimuel, ngunit hindi nila sinabi ang dahilan.

Hindi pa rin naman binunyag ni Jimuel ang rason ng breakup sa “Tonight with Boy Abunda,” ngunit kinwento niyang pareho silang nagalit sa isa’t isa nang una silang mag-break.

Nagbalikan din aniya sila matapos mag-usap at pagsisihan ang mga ginawang desisyon, ngunit napagdesisyunang hindi talaga sila magwo-work out.

“The first time was really tough. Kasi po parang may galit po kasi doon sa first time, and parang hindi po maayos ‘yong breakup,” sabi ni Jimuel nitong Martes, Pebrero 11, 2020. “Nagkabalikan kami, pero the second time around, it was a peaceful breakup.”

“Ngayon, we’re good with each other. Sometimes we have shows outside and wala naman po kaming problema sa isa’t-isa,” wika pa niya.

Unang nilantad ng dalawa na sila na noong Marso 2019, at makaulit na tinanggi ni Heaven na pera ang dahilan kung bakit niya naging partner si Jimuel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?