63

By

PacBoy Jimuel may offer sa Hollywood action film

Napukaw ang interes ng isang Hollywood producer dahil sa angking kagitingan ni Jimuel, anak ng ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao.

Sa report ng Pep.ph, kinumpirma ng business manager ni Pacquiao na si Arnold Vegafria na posibleng sumabak sa Hollywood film si Jimuel.

“Kasi, because of the videos yata niya, iyong mga boxing niya. About boxing yata iyong film. So, nakikita iyong boxing skills niya, saka iyong action skills niya. So, nagkainteres. E, guwapo naman si Jimuel! Sana, matuloy. Pag natuloy, better for us,” ayon kay Vegafria.

Hindi pa sigurado kung papayag si Manny na mag-artista si Jimuel lalo’t nag-aaral ito ngayon sa La Salle.

“Kung ma-confirm, malalaman natin by this year. Wala pa iyong final script, e. Then, siyempre, ano iyong package. Kasi siyempre, stop sa pag-aaral, sa pagte-train.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?