90
Road Board, opisyal nang binuwag ni Duterte
By

P95.3B sa 2019 budget, tinabla ni Duterte

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 General Appropriations Act na nagkakahalaga ng P3.757 trilyon.

Taliwas sa naunang inasahan, tahimik na pinirmahan ng Pangulo ang pambansang budget ngayong Lunes at walang ginanap na ceremonial signing sa Palasyo.

Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na vineto ni Pangulong Duterte ang P95.3 bilyon na nakalagay sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil hindi aniya ito kasali sa mga priority project ng administrasyon ngayong taon.

“The President signed the national budget today, Monday. He vetoed 95.3 billion pesos items of appropriations in the details of DPWH programs/projects, which are not within the programmed priorities,” ani Medialdea.

Matatandaang natagalan ang pagpasa sa 2019 national budget dahil sa natuklasan ng ilang senador na umano’y nakasingit na pondong pinaniniwalaang pork barrel ng ilang kongresista.

Hindi agad pinirmahan ng Presidente ang enrolled bill na isinumite sa Malacañang noong Marso 26 dahil kinailangan pang busisiin itong mabuti ng Department of Budget and Management at ng legal team ng Malacañang para makasigurong walang iligal sa pambansang budget.

Sinabi naman ni Senador Tito Sotto na kaya wala nang seremonya sa paglagda sa 2019 national budget ay upang maiwasang mag-away sa harap ng Presidente ang mga kongresista at senador dahil sa ilang detalyeng vineto nito.

Matatandaang naging urong-sulong ang schedule sa paglagda sa 2019 national budget dahil pinatiyak muna ng Presidente na walang iligal na probisyong nakapaloob sa 2019 GAA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?