74

Sep 21, 2019 @ 16:00
By

P900K payroll tinangay ng tandem sa Parañaque

Dead on the spot ang isang lalaki matapos tambangan ng dalawang suspek na nakasakay sa iisang motorsiklo sa Macapagal Avenue, Barangay Tambo, Parañaque City, Biyernes ng hapon.

Tinangay din ng mga suspek ang dala ng biktima na payroll money na nagkakahalaga ng P900,000.

Nakilala ang biktima na si Michael Angelo Manuad, empleyado ng Excelsior Travel and Tours, na nagtamo ng tama ng bala sa katawan mula sa hindi pa kilalang riding in tandem.

Ayon kay Parañaque Police chief P/Col. Robin Sarmiento, naglalakad ang suspek sa tabi ng City of Dreams Hotel and Casino sa Macapagal Avenue bandang ng hapon (Setyembre 20) nang harangin ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo at agad na pinagbabaril.

Dali-daling kinuha ng mga salarin ang dalang bag ng biktima na naglalaman ng nasa P900,000 cash.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up investigation ang Parañaque Police upang mahuli ang mga suspek habang tinitingnan ang anggulong inside job dahil alam ng mga suspek na may dalang pera ang biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?