127

Feb 13, 2020 @ 16:31
By

P900K ang gustong sweldo? Badua, Parks nagbanatan

Muling nagpasabog ng rumor si Snow Badua tungkol sa isang manlalaro na sobrang taas mag-demand ng bayad sa kontrata.

Sa tweet ni Snow, sinabi nito na P900,000 ang asking price ng isang player, na ngayon ay P420,000 na ang nakukuha kada buwan sa PBA team na kinabibilangan.

Dito na nagsimulang maglaro ang utak ng mga netizen, na tingin nila’y si Bobby Ray Parks Jr ang pinapatungkulan ni Snow.

Ito’y dahil sa mga terminong ginamit ni Badua, na ‘parking lot’, ‘naka-park’ at isa pang clue ay ang koponan na sabit sa istorya.

“Tapos plus load pa at cellphone dati nga make up at pabango lang ang add-on,” ayon kay Snow, na kung titingnan ay may kinalaman sa mga produkto ng TNT at Blackwater, dalawang koponan na pinaglaruan ni Parks.

Ito’y lalo pa’t nakikipag-usap pa tungkol sa kontrata si Parks sa TNT, na kung hindi magkasundo ay posibleng i-trade na lang ang three-time ABL local MVP.

Dahil dito’y sumagot ang girlfriend ni Parks na si Maika Rivera, sa tweet nito’y na ang cyber bullying, libel at harassment ay krimen, at dapat umano’y maging responsable ang mga matatanda.

“Mainit in the Philippine’s tunaw ng heat ang snow,” hirit pa ni Maika.

https://twitter.com/NotKingDavid13/status/1227593262656999424/photo/1

Sumagot naman si Snow, na huwag daw umanong maging defensive si Maika dahil wala naman itong pinangalanan.

“Iha, pag di ka kinakausap, mahamik ka na lang. Wag mag assume, OK? BF mo ba topic? Bakit kayo defensive? MAY KAkalagyan kayo sa asaran at mga kwentuhan. Pagganyan,” patama naman ni Snow kay Badua.

Sumali naman sa usapan si Rayray, sinabi na imbes umanong na i-encourage ang mga bagitong player sa liga ay sinisira pa para sumikat.

Sa bagong update sa kontrata ni Parks, ayon kay TNT team manager Gabby Cui ay malapit nang mapapirma ng kontrata ang star player, na posibleng mangyari sa pagtatapos ng linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?