57

By

P82.5M budget inilabas kontra African Swine Fever

Nagpalabas ng P82.5 milyong budget ang Department of Budget and Management (DBM) sa Bureau of Animal Industry (BAI) ng Department of Agriculture matapos na aprubahan ang pondo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay upang masuportahan ang hakbang na gagawin ng mga awtoridad kasunod ng pagkakakumpirmang positibong kaso ng African Swine Fever (ASF) ang ilang namatay na baboy kamakailan sa Rodriguez, Rizal.

Sa ilalim nito, P32 milyon ang ibabahagi para sa maintenance ng security and detection ng karneng produkto sa mga paliparan.

Ang 28 milyon naman ay gagamitin para iba pang test ng blood samples, P18 milyon para surveillance at monitoring habang P5.4 milyon ang nakalaan sa awareness campaign.

Nauna rito, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na nananatiling ligtas ang karne ng baboy na ibinibenta sa mga palengke.

Subalit payo nito sa mga consumer, siguraduhing bilhin ang mga ibinibentang karne na may stamp approval mula sa National Meat Inspection Service.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?