287

By

P8.5M sports car ni ‘PacBoy’ Jimuel, pinasilip

Pinasilip ng batang boksingerong anak ng pambansang kamao na si Jimuel Pacquiao ang magarang sasakyan na binigay sa kanya ni Senator Manny.

Bukod sa pareho nang boksingero ay tila namana din ng batang Pacquiao ang pagkahilig sa mga kotse dahil bakas sa mukha nito ang katuwaan sa regalo ng ama.

Makikita sa vlog ng YouTube Channel ni Team Sisson ang red sports car na inii-start ni Jimuel at pinaandar ito ng 18-anyos sa loob ng kanilang subdivision.

Ang nasabing sasakyan ay isang Corvette Stingray na nagkakahalaga ng 8.5 milyong piso.

Dinumog naman ang naturang video ng mga komento mula sa mga netizen.

@NostraMendoza: “For a billionaire son. I can see he is so humble like his father.”

@Ismaelreysancianco: “Stay humble like your parents. That is a blessing and take care of it.”

@kmatias333: “Lucky you deserve it. Inggit lang iba hahaha.”

@EVlogs: “Deserve for a humble pacquiao family.”

@JayOrcullo: “yahaya… stay humble broder..”

@lolalolo: “Wow! Bago car pro humble parin ang suot ingat lang sa pag maniho!”

@CjVaans: “Napaka suwerte mo sa buhat. Stay humble and drive safe.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?