38
P8.1M meal allowances ng mga MWSS official, pinababalik ng COA
By

P8.1M meal allowances ng mga MWSS official, pinababalik ng COA

HIndi pinaboran ng Commission on Audit (COA) ang apela ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na ikonsidera ang nauna nilang notice of disallowance kaugnay ng P8.1 milyon sa meal allowances na ipinagkaloob sa mga opisyal ng MWSS noong 2012 at 2013.

Sa tatlong pahinang desisyon, sinabi ng COA na maliban sa late filing ng MWSS petition, kulang din umano ito sa merito.

Batay sa notice of disallowance na may petsang June 30, 2014, sinabi ng ahensiya na ang payment sa meal allowances ay P8,173,730 na lagpas sa inaprubahang halaga.

Paliwanag ng Coa, nabigo ang MWSS sa alituntunin ng ahensya dahil natapos na ang 362 araw mula nang isapubliko ang NDs.

Sa patakaran, maaari lamang tanggapin ng COA ang petisyon sa loob ng 180 araw mula nang ibaba ang NDs.

Paliwanag pa ng COA, ang meal allowances ay kabilang sa “nonintegrated allowances” na para lamang sa mga MWSS official na nasa posisyon na ng Hunyo 30, 1989.

Bunga nito, ipinag-utos ng COA sa MWSS na isauli ang P8.1 milyong meal allowance na natanggap ng mga opisyal at empleyado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?