54

P7.4B dapat bayaran ng PH gov’t sa Manila Water – PCA

Dahil hindi inimplementa ang dagdag-singil sa tubig, dapat magbayad ang gobyerno ng Pilipinas ng P7.39 bilyong halaga ng pinsala sa Manila Water Co. Inc., ayon umano sa hatol ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa Singapore.

Ayon sa isang disclosure nitong Biyernes sa Philippine Stock Exchange, sinabi ng Manila Water na inutos ng PCA ang danyos para umano sa losses ng kompanya mula Hunyo 1, 2015 hanggang Nobyembre 22, 2019, maging ang halagang pinambayad sa PCA at 85% ng iba pang claimed cost.

“The Tribunal ruled that Manila Water has a right to indemnification for actual losses suffered by it on account of the (government’s) breach of its obligation,” saad ng kompanya.

Nitong 2015, umapela ang Manila Water sa arbitration matapos hindi kilalanin ng gobyerno ang claim nito na P79 bilyon.

Hindi rin umano pinayagan ng huli na magtaas ang kompanya ng kanilang taripa, na paglabag umano sa kanilang concession agreement.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?