37
Mag-partner huli sa pagtutulak ng shabu sa Pasig
By

P600M shabu nasabat sa checkpoint sa Samar

Tinatayang nasa P600 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya sa inilatag na PNP checkpoint sa kahabaan ng Barangay Bunagan, Gandara, Samar Huwebes ng hapon.

Ayon kay Police Brig. Gen. Dionardo Carlos, Police Regional Office 8 director, nadakip din ang anim na suspek na lulan ng dalawang kotse na sina Cesar Uy, Jarred Axcel Elaran, Steven Perez abella, Leonard delos Reyes, Elbert Abella at Jeralou Rapuela.

Nasabat din sa isinagawang checkpoint ang isang kulay silver-gray na Mitsubishi Lancer na may plakang XTE 453 at itim na Nissan Sentra na may plakang ZLV 463.

Galing umano ang dalawang sasakyan sa Calbayog City nang masabat sa checkpoint.

Samantala, nasa kustodiya na ng pulisya ang anim na suspek na sumasailalim na sa imbestigasyon habang ang mga nakuhang shabu ay dinala na sa PNP Crime Laboratory para sa tamang disposisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?