16

By

P600K shabu nasawata: 8 tulak ng droga huli sa QC

Walong tulak ng iligal na droga ang dinakma sa isinagawang anti-drug operation ng mga awtoridad sa Quezon City.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Bimbo Pelejotes, 50; Daniel Gonzales, 25; Ronald Mcdonald, 35; Francis Ponce, 32; Jerry Lioba, 39; Roberto Caro, 49; Jaime Sanchez, 46; Ronnie Sendin, 36 at Erick Samijon, 31.

Ayon kay QCPD Director, P/Brig. Gen. Ronnie Montejo, ang mga suspek ay naaresto ng kanyang mga tauhan sa QPCD District Drug Enforcement Unit at Station DEU ng Station 4,5,7 at 9 dakong alas-12:00 hanggang alas-4:00 ng madaling araw sa magkakasunod na buy-bust operation.

Sinabi ni Montejo, mismong mga residente ng Quezon City ang nagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad dahil ayaw pa rin umanong tumigil ng mga suspek sa pagbebenta umano ng iligal na droga.

Nakumpiska sa mga suspek ang 275 plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P600,000 at iba’t ibang drug paraphernalia.

Nahaharap ngayon ang walong lalaki sa kasong paglabag sa R.A. 9165, (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?