245
2 pulis laglag sa Pasig buy-bust, P2M shabu nasabat
By

P6.8M shabu nasamsam sa Makati bar

Umaabot sa P6.8 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng pinagsanib na operatiba ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office – National Capital Region (RO-NCR) at Makati police sa Makati City, nitong Martes ng hapon.

Bandang alas-4:00 ng hapon ay nagsagawa ang NAIA-IADITG sa pamumuno ni IA3 Gerald A Javier, PDEA RO-NCR South District Office sa pangunguna ni IAV Joel D Villorente sa koordinasyon ng Makati City Police na pinamumunuan ni PCol. Rogelio P Simon Makati CPS ng ‘controlled delivery operation’.

Agad namang nadakip ang suspek na si Edison Pascual Chua, residente ng 2020 Manansala Tower, Plaza Drive Rockwell, Makati City 1630 at Brian James Macatangay, ng 18A Eisenhower Twrs, Eisenhower St., San Juan City sa 8456 Motor Sports Bar, Doña Carmen, St., sa kanto ng Kalayaan Ave., Brgy. Poblacion, ng nasabing lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad sa nasabing idedeliber na kontrabando kaya agad na nagkasa ng operasyon laban sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa isang kilogram ng shabu na naka-package at nagkakahalaga ng P6,800,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , , , ,