302

By

P6.8M shabu nasabat sa babaeng tulak

Nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 26-anyos na babae at nakumpiska sa kaniya ang umaabot sa isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa isinagawang buy-bust operation sa Malate, Maynila.

Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mahigit P6.8 milyong halaga ng shabu sa parking lot sa CCP Bay Terminal sa Malate sa suspek na nakilalang si Maymay Mendi Sing, may-asawa at residente ng Bldg. 2 Condo Maharlika Village, Taguig City.

Ayon sa mga awtoridad, ang suspek umano ang naghahatid ng shabu sa Maynila at Southern Tagalog.

Mariin namang itinanggi ng suspek na kaniya ang droga dahil sinabihan lamang siya na mag-deliver ng package.

Mahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?