57

Jan 24, 2020 @ 13:45
By

P5M multa vs data privacy giniit

Ang pagpapahiya online ng mga lender sa mga nangungutang ay labag sa batas, at may katumbas na limang milyong pisong multa, ayon kay Lenders Alliance Inc. Sustainability & Public Relations Officer Michael Bréjean.

At upang maiwasan ito, bumuo ng serye ng regulasyon ang lenders association.

Ayon kay Bréjean, sa kanilang regulasyon ay mabibigyan ng proteksiyon ang kostumer at lehitimong lenders laban sa mga nagkalat na ‘pating’ o manloloko na nag-iiba pa ng kanilang personal information.

Aniya, katuwang ng Lenders Alliance Inc. ang National Privacy Commission (NPC), Securities and Exchange Commission (SEC) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at iba pang government forc upang sugpuin ang illegal lenders.

Nabatid kay NPC Commissioner Raymund E. Liboro na naghain si Congressman Victor Yap ng batas na mag-aamyenda sa Data Privacy Act of 2012, kung saan nakapaloob dito ang ‘explicit power’ ng NPC para mapatawan ng administrative fines ng hindi hihigit sa ₱5 milyon ang lalabag dito.

“Some agencies can now impose administrative fines. As it is known, many of these cases would not end up been in jail so a different approach, such as imposing an administrative fine for violators will let them “compel accountability when a company violates handling of personal data or not having a Data Privacy Officer” ayon kay Liboro.

“It is a very positive signal for us: it means that as long as you respect the law, regulate yourself and follow ethics, you are safe in the Philippines,” sabi naman ni Bréjean.

Magugunitang una nang pinasara ng NPC ang 26 online lending firms apps sa koordinasyon ng Google at National Telecommunications Commission.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?