41

By

P53M smuggled na gulay mula China nakumpiska

Nasabat sa Port of Manila ang mga gulay na galing ng China at nagkakahalaga ng P53 milyon dahil sa pagiging misdeclared.

Sa statement sinabi ng Bureau of Customs-Port of Manila (BOC-POM) na idineklara ng Shinerise Trading Service ang shipment na mga fishball at nagkakahalaga ng P2,542,882 noong Agosto 8, 2019.

Kalaunan nadiskubre sa ginawang inspeksyon na mga carrot at sibuyas ang laman ng kargamento at may estimated value na tig-P20 milyon; broccoli na P10 miyon at patatas na P2.5 milyon.

Naipadala na umano sa consignee ang warrant of seizure and detention noong Setyembre 4 dahil sa posibleng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act. Binawi rin ang accreditation ng consignee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?