102

By

P50M exotic animal nasabat sa Davao Oriental

Nailigtas ng mga awtoridad ang nasa 447 exotic na ibon at ilan pang hayop na tinatayang nagkakahalaga ng P50M sa isang barangay sa Mati City, Davao Oriental.

Ilan sa mga nakuha ay mga black palm cockatoo, wallaby, echidna na pinaniniwalaang mula sa Indonesia, ayon kay Police Col. Marcial Magistrado, Davao Oriental Police Provincial Office director.

Kasunod ng pagkakalambat sa mga exotic animal, hinuli ang dalawang caretaker na sina Jomar Lumakore Toledo at Rompas Manindig Lumakore na parehong mula General Santos City.

Kakasuhan ang dalawa ng paglabag sa Conservation and Protection of Wildlife Resources and their Habitats.

Ang bawat species na nailigtas ng awtoridad ay kinilala na ng Biodiversity Management Bureau and the Department of Environment and Natural Resources-Region 11.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?