47

May 12, 2020 @ 13:17
By

P5.8M shabu nasabat sa Navotas

Abot sa P5.81 million na halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha ng mga awtoridad sa Barangay Tangos North sa Navotas City, Lunes ng gabi.

Sa ikinasang buy-bust operation ng Navotas City Police Station at PNP Drug Enforcement Unit, nahuli din ang apat na suspek na sangkot sa iligal na droga.

Kinilala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga suspek na sina Ronnel Ereño, 22; Randel Dela Cruz, 24; Sheila Eyana, 31; at Christopher James Aguilar, 29.

Sa nasabing operasyon, nakuha ng pulisya ang tinatayang 855 kilogram ng suspetsang shabu.

Kakasuhan ang mga suspect ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at kasalukuyang nakadetine sa Navotas Police Station.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?