256

Jan 12, 2020 @ 11:06
By

P4M damo binunot sa Benguet

Nasa P4 milyong halaga ng mga pananim na marijuana ang binunot at winasak ng Benguet Police Provincial Office (BPPO) sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ng Benguet.

Ayon kay BPPO director P/Col. Elmer Ragay, noong Sabado, Enero 11. unang naisagawa ang marijuana eradication sa Barangay Beleng-Belis, Kapangan, Benguet na nagresulta sa pagkabunot ng 15,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P3 milyon.

Nagsagawa din ang BPPO anti-drug unit ng pagwasak ng marijuana plantation sa Barangay Kayapa, Bakun, sa nasabing lalawigan na nagresulta sa pagkabunot ng 1,060 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga naman ng P212,000.

Sinabi ng BPPO director, isinagawa rin ang marijuana eradication sa tatlong sites sa Barangay Palina, Kibungan, Benguet at nabunot ang 120 fully-grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P24,000.

Nadiskubre ng mga operatiba ang limang kilo ng dried marijuana stalks na nagkakahalaga ng P600,000.

Gayunman, walang nahuling marijuana cultivator sa mga isinagawang operasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?