963

P480K ginasta ni AiAi kay Jiro Manio

Nagsalita na si AiAi delas Alas tungkol sa anak-anakan nitong si Jiro Manio, na inaresto dahil sa umano’y pananaksak sa isang lalaki.

Matatandaang gumanap na nanay ni Jiro si AiAi sa film series na “Tanging Ina.”

Siya ang naglagay sa aktor sa rehab facility–at gumastos nang mula P360,000 hanggang P480,000–matapos makitang palaboy-laboy sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong 2015 at maadik sa iligal na droga.

Kinwento rin ni AiAi na siya rin ang gumastos sa
condo ni Jiro, at mga kapatid nito, malapit sa GMA Network Center sa Quezon City.

“Medyo may kamahalan po talaga ‘yung rehab ni Jiro nun. Siguro nasa P60,000 a month siya nun dito sa may Quezon City, and I think tumagal siya nun ng mga six months to eight months na rehab,” lahad ng komedyante sa Instagram ngayong Linggo, Enero 19.

Pinalabas mula sa drug rehab si Manio noong Enero 2016.

Sa ngayon, nahaharap sa kasong frustrated homicide ang dating child actor matapos umanong saksakin nang dalawang beses ang isang isang Zeus Doctolero sa M.A. Roxas Street sa Barangay San Roque sa Marikina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?