38

By

P400K iligal na xmas light sa La Union sinira

Winasak ng Department of Trade and Industry-Region 1 (DTI-R1) ang P400,000 halaga ng uncertified products na mga Christmas light sa San Fernando, La Union kamakalawa.

Dahil dito, muling binalaan ng DTI-R1 ang mga negosyante na huwag magbenta ng mga uncertified product para mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mamimili.

Sinira ng DTI-R1 ang mahigit P400,000 halaga ng mga nakumpiskang Christmas light, steel bar at iba pang uncertified product sa sanitary landfill, gaya ng bombilya, pipes, lighter, at adhesive tapes.

Sinabi ni DTI-R-1 director Grace Baluyan, hindi pumasa sa mga nakatakdang standard ng ahensya ang mga nasabing produkto at napatunayan na may mga nalabag din ang mga tindera ng mga ito sa Fair Trade Law.

Ang pagsira sa mga nakumpiskang mga produkto ay magsisilbi umanong babala sa mga negosyante na ayaw sumunod sa mga alintuntunin na pinapatupad ng tanggapan.

Sabay-sabay na nilatag sa sanitary landfill ang mga naturang bagay at pinadagasaan ng pison upang hindi na mapakinabangan

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?