986

By

P4.7M kada gabi? Ivana umaming hubadera pero ‘di pokpok

Kasunod ni Jackie Rice, biktima naman ngayon ng site na ManilaBookings.com ang sexy actress na si Ivana Alawi.

Kumalat ang post kung saan sinasabing P2.6M kada isang oras kasama ang aktres, P4.7M naman kada dalawang oras para sa panandalihang kaligayahan.

Sa Facebook ay kinontra ni Ivana ang post at sinabing kahit todo ang pagpapaseksi niya sa social media ay may limitasyon din siya.

“There have been several posts going around claiming you can book me for 2 hours at 4.7 million!! Ayos yan mga naiisip niyo ipost ah May tax paba yan at bawas sa booking agency or net na? Syet ang mahal pala. Hahahaha dali lang pala kumita ng 100 million noh?” ayon kay Ivana.

“Hubadera ako sa social media yes, but I have my limits. I earn my own money the right way,” aniya pa.

Dumepensa naman ang site, na gumawa ng ingay matapos makasama rin sa kanilang listahan ang aktres na si Jackie Rice, sinabi na na-hack lang ang kanilang page at humingi ng dispensa kay Ivana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?