66

By

P30M ng taklobo nasamsam, 5 arestado

Umaabot sa halagang P30 milyon halaga ng fossilized giant clam o taklobo ang nakumpiska ng awtoridad sa isinagawang joint simultaneous operation na inilunsad ng awtoridad kung saan limang suspek ang naaresto, Miyerkoles ng hapon sa bayan ng Cordova, Cebu.

Dakong alas-4:00 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang Field Station Central personnel, 301st Special Mission Group ng Philippine Air Force (PAF), kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at National Bureau of Investigation (NBI).

Sa bisa ng search warrant na inilabas ng korte ay nilusob ng awtoridad ang bahay ng mag-asawang George at Bebing Oldama sa Barangay Catarman, Cordova, Cebu.

Kasama ding nadakip ng awtoridad sina Roweno “Wenski” Tajanlangit at dalawang lalaking hindi nabanggit ang pangalan na pawang residente ng Barangay Dayas ng nasabing bayan.

Umaabot sa 90 piraso ng large size, 59 medium size at anim na small size fossilized giant clam ang nakumpiska ng awtoridad na umaabot sa 2,000 kilo o may halagang P15,000 kada kilo ang nasamsam ng awtoridad.

Nakakulong ang mga suspek sa Cordova PNP habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?