61

By

P3.9B halaga ng bagong biling gamit ibinida ng PNP

Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) officer in charge Archie Francisco Gamboa ang blessing ceremony ng kanilang mga bagong biling gamit na nagkakahalaga ng P3.9 bilyon.

Ang mga bagong biling kagamitan na ipinakita sa transformation oval sa Camp Crame, Lunes ng umaga ay bahagi ng capability enhancement program ng PNP.

Kabilang sa mga ito ang tatlong helicopter ng PNP na kinabibilangan ng isang Bell 429 na katulad ng unang chopper ng PNP, 2 Airbus H125 helicopter, 2 R44 training helicopter, gayundin ang 21 EOD patrol vehicles at 34 na utility truck para sa kanilang mga regional mobile force battalion.

May mga bagong biling armas din ang PNP tulad ng 2001 Taurus 9mm; 6,353 Tisas 9mm; 10,000 canik 9mm pistola; 21,992 units ng galil 5.56 assault rifle; 1,677 K2C1 basic assault rifle; 205 K3 5.56mm light sub machinegun; At 8 Negev5 5.56 light machine gun at 141 Negev7 7.62 machine gun.

Kasama rin sa mga bagong gamit na ipinakita ang 51 drones at 7,924 na combat enhanced helmets.

Ipinagmalaki din ni Gamboa na dahil sa metikulosong bidding process, napababa ang presyo ng galil assault rifles mula sa orihinal na presyong mahigit P60,000 sa mahigit P40,000 na lang.

Sinabi ni Gamboa na magiging malaking tulong din ang mga bagong combat helmet para sa karagdagang proteksyon ng mga pulis na sumasabak sa mga anti-drug operation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?