42

By

P3.4M halaga ng shabu na isinilid sa mga tsaa, nasabat sa Maynila

Tinatayang nasa P3.4 milyong halaga ng shabu na itinago sa mga pakete ng tsaa ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ikinasang buy-bust operation sa Quiapo, Maynila Linggo ng hapon.

Naaresto sa isinagawang operasyon ang isang 18 taong gulang na lalaking suspek na nakilalang si Alanie Bayantol Sacampong.

Ayon PDEA, miyembro umano si Sacampong ng isang malaking Chinese syndicate na nagbebenta ng maramihan o wholesale na shabu.

Batay sa suspek na taga-Marawi City umano, ipinapadala lang sa kanya ang bayad na P5,000 para dalhin niya ang shabu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?