19

Jun 22, 2020 @ 16:56
By

P3.1M kush naharang ng BOC

Nasa P3.1 milyong halaga ng kush o high-grade marijuana ang nakumpiskang Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Idineklarang tsokolate, green tea, damit at black tea ang package na mula sa California.

Pero nang suriin, nakita sa loob nito ang apat na pakete ng kush.

Ayon sa BOC, naka-consign sa isang residente ng Marikina City ang package.

Itinurn-over na ang iligal na droga sa Philippine Drug Enforcement Agency nitong Lunes para sa profiling at case build-up.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?