55,623

By

P2M ang halaga! Jackie Rice nag-react sa pagiging ‘escort’

Nagulantang ang mga netizen nang makita ang profile ni Jackie Rice sa isang website na kasama sa mga pagpipilian na maaaring i-book para sa escort service.

Sa loob ng tatlong oras ay may 2 pops na ang profile ni Jackie sa naturang website at P2 milyon ang kanyang booking fee.

Kinagulat ito ng mga netizen at nagtanong kung legit ba ito habang ang iba nagbiro na mangangalap sila ng pera para mai-book si Jackie.

Nalaman na ito ni Jackie at ginawang biro ang pagiging “escort” niya sa kanyang Instagram Stories.

Aniya, sa mga gusto siyang i-book ay dumirekta na lang sa kanya dahil kakaltas pa umano ang naturang website na nag-post sa kanya. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?