46

By

P25K halaga ng pekeng pera nasamsam sa driver

Nahulihan ng may P25,000 halaga ng mga counterfeit money sa isinagawang entrapment operation sa isang jeep terminal sa Barangay Pajo, Lapu-Lapu City, Cebu ang isang habal-habal driver nitong Disyembre 12.

Kinilala ang inarestong si Jundel Pardillo, 22, ng Sitio Tugas San Rogue, Barangay Mambaling.

Dinakip si Pardillo pasado ala-1:00 ng hapon sa entrapment operation kung saan narekober sa kanya ang 17 piraso ng P1,000 bills at 16 piraso ng P500 bills.

Mahaharap si Pardillo sa mga kasong illegal possession of false treasury and bank notes.

Nakadetine na siya sa Hoops Dome Police Station 3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?