23

By

P240K shabu naispatan sa sementeryo, tulak patay

Patay ang isang high value target na pusher habang aabot sa mahigit P240,000 na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska dito sa naganap na shootout, Lunes ng gabi sa pagitan ng pulisya at ng suspek sa isang sementeryo sa bayan ng Cordova, Cebu.

Dead-on-the-spot ang suspek na si Lorenzo Lepardo, residente ng Sitio Day-as Barangay Buagsong ng nasabing bayan matapos makipagbarilan ito sa mga tauhan ng Cordova Municipal Police Station (MPS).

Sa ulat na ipinadala ni Police Capt. Efren Diaz, hepe ng Cordova MPS sa Police Regional Office (PRO) 7, naganap ang insidente pasado alas-10:00 ng gabi sa pampublikong sementeryo sa Barangay Cogon ng nasabing bayan.

Napag-alaman na isang buy-bust operation ang isinagawa ng mga tauhan ng Cordova MPS laban sa suspek subalit nakatunog ito na pulis ang kanyang katransaksyon dahilan upang bumunot ito ng baril at paputukan ang police poseur buyer na suwerteng hindi naman tinamaan.

Gumanti ng putok ang pulisya dahilan ng pagkasapul ng suspek na agad dinala sa Lapu-Lapu City Hospital subalit idineklara ng dead-on-arrival ng sumuring doktor.

Ayon pa kay Diaz, matagal na umano nilang minamanmanan si Lepardo dahil sa pagtutulak nito ng iligal na droga subalit sadyang madulas ito hanggang sa naganap ang buybus operation Lunes ng gabi.

Nakuha sa suspek ang 28 gramo ng shabu na may street value na 240,600 gayundin ang isang kalibre .38 baril na ginamit nito sa panlalaban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?