223

Mar 13, 2020 @ 20:04
By

P200K bill tinakbuhan, Belgian national kulong sa Makati

Bagsak sa kulungan ang isang 37-anyos na Belgian nang takasan ang mahigit P200,000 bill niya sa isang luxury hotel sa Makati City Huwebes ng hapon.

Kasong estafa ang isinampa ng Makati police laban sa dayuhang si Andy Marc Schenkels, turista, tubong Belgium at nanunuluyan sa Makati Shangri-La Hotel, Ayala Center, Barangay San Lorenzo.

Inireklamo siya ng kinatawan ng nasabing hotel na si Edmer Landero, security supervisor.

Sa reklamo, alas-5:15 ng hapon nitong Marso 12 nang mamataan ng mga sekyu ng hotel na sina Francisco Ranay at Roy Malijana na paalis na ang suspek gayong hindi pa ito nagbabayad ng kaniyang bill na umaabot sa P224,144.04.

Inaresto ang dayuhan at binitbit sa Makati police.

Nabatid na lumaki ang bill ng suspek dahil nag-check in ito sa nasabing hotel simula noong Pebrero 11, 2020 hanggang Marso 12.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?