52

By

P2.9M halaga ng sari-saring droga nasabat sa Makati

Sharing is caring!

Nasa P2.9 milyong halaga ng iligal na droga kabilang na ang high-grade marijuana na Kush ang nasamsam sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Makati City, Biyernes ng gabi.

Naaresto sa loob ng condominium unit sa Salamanca Street sa Barangay Poblacion ang mga suspek na sina Ruth Anne Compra Mabalay, Sarah Mabalay, Tetsuya Reyes at Ryan Christopher, na hinihinalang mga drug pusher.

Nakumpiska sa kanila ang 73 sachets na naglalaman ng 380 tableta ng ecstasy na may halagang P1,140,000.

Narekober din ang may 30 sachets na naglalaman ng pinaniniwalang cocaine na nagkakahalaga naman ng P1,247,000.

May P52,500 na halaga ng hinihinalang Kush din ang nasabat at 23 sari-saring bote na may lamang isang litro ng liquid ecstasy (P400,000).

Nakuha rin sa mga suspek ang isang sachet na may lamang 27 na piraso ng LSD tablets na P40,500 ang halaga.

Nasamsam din ang may 10 bote na naglalaman ng 20 tablets ng Clonazepam, limang blister packs na may 49 tablets ng Diazepam (Valium) at anim na blister packs na may 60 tablets ng Nitrazepam (Mogadon).

Mahaharap ang mga naaresto sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?