35

Feb 1, 2020 @ 15:06
By

P2.6M smuggled sigarilyo, asukal nasabat sa Zamboanga

Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Marines at Coast Guard ang shipment ng smuggled goods na nagkakahalaga ng P2.6 milyon kabilang na ang sigarilyo at asukal sa Zamboanga port.

Ayon kay Bureau of Customs Commissioner Leonardo Rey Guerrero, na-intercept ng mga tauhan ng Marines at Coast Guard na may paparating na smuggled goods sakay ng M/V Rebecca na dumating sa Jolo, Sulu bandang alas-6:30 ng umaga noong Enero 30.

Kabilang sa mga nasabat ang 95 master cases ng smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng P2.6 milyon at 10 sako ng asukal na nasa P20,000 ang halaga.

Dinala ito sa BOC-Zamboanga District Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?