171
P1M pabuya para sa pumaslang sa aide ni Junjun, ibibigay ni ex-VP Binay
By

P1M pabuya para sa pumaslang sa aide ni Junjun, ibibigay ni ex-VP Binay

Handang magkaloob ng P1-million na pabuya ang ama ni ex-Makati Mayor Junjun Binay, ang dating Vice President na si Jojo Binay para sa makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa pumaslang sa aide ng una.

Sa statement na inilabas ni ex-VP Binay, kanyang kinondena ang pagpaslang kay Monalisa Bernardo, executive aide ni Junjun, noong Huwebes ng gabi sa tapat ng apartment nito.

“Umaasa ako na mananaig ang katotohanan at katarungan, at makilala ang nasa likod ng karumaldumal na gawaing ito. Handa akong magbigay ng pabuya na P1 milyon para sa anumang impormasyon na magtuturo sa mga nasa likod ng krimen,” ayon kay Binay.

Nagbabala naman si ex-VP na maging mahinahon ang mga Makati citizen at huwag magpaapekto dahil tingin ni Binay ay posibleng ginagamit ang nasabing insidente sa pansariling interes.

“Maaaring may mga nais gamitin ang insidenteng ito upang isulong ang kanilang pansariling interes at lumikha ng kaguluhan,” ani ng dating bise presidente.

SI Junjun ay tatakbo sa pagka-alkalde kalaban ang kanyang kapatid na si incumbent Makati Mayor Abby Binay, si Jojo naman ay tatakbo bilang kongresista sa first district ng Makati.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?