29
May-ari ng car shop arestado sa pagnanakaw ng sasakyan
By

P1M halaga ng shabu nasabat sa 3 tulak

Kulungan ang bagsak ng dalawa katao habang nakatakas ang isa nilang kasamahan sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Tumana, Marikina City, Martes ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act sina Mohaimen Quezon, 50-anyos, vendor at Nilda Follero, 52, habang pinaghahanap ang kasamahan nila na si Caironisa Quezon, 45, pawang mga residente ng nabanggit na lungsod.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni Eastern Police District Director PBGen. Johnson Almazan, isinagawa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ang buy-bust alas-8:38 ng gabi (Setyembre 10) sa Pipino St., Barangay Tumana matapos makatanggap ng tip sa iligal na pagtutulak ng mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 21 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu na tinatayang nasa 140 gramo at nasa P952,000 ang halaga; isang digital weighing scale at ang P500 buy-bust money.

Pawang hindi kasama sa drug watch list ang mga suspek na kasalukuyang nakakulong ngayon sa Marikina detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?