43

By

P1M binigay ni Dave Chappelle sa Taal evacuees

Isang milyong piso ang dinonate ni American comedian and actor Dave Chappelle para sa mga nasalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Binahagi ito sa Instagram ng anak ni Solaire Resort & Casino chairman at CEO Enrique Razon na si Katrina.

“He joined us at @solaireresort in a donation to the Rayomar Outreach Foundation, a nonprofit on the ground to provide aid to those affected by #TaalVolcano,” hayag ni Katrina nitong Huwebes, Enero 16.

Unang beses nagpatawa si Chappelle sa bansa nitong January 14-15, 2020 sa The Theatre sa Solaire.

Humina man ang tuluy-tuloy na pagbuga ng Bulkang Taal ng singaw, usok, at abo, nakataas pa rin sa alert level 4 ang bulkan ngayong Biyernes ng umaga at inaasahan ang mapaminsalang pagsabog sa loob lang ng ilang oras o araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?