57

Mar 24, 2020 @ 15:02
By

P1M benepisyo sa mga yumaong COVID-19 frontliner nilalakad ni Lacson

Kabilang ang P1-milyong death claim sa mga benepisyong tinutulak ni Senador Ping Lacson para sa lahat ng mga health worker sa bansa na patuloy sa trabaho sa gitna ng COVID-19 lockdown.

‘Di man binanggit ang ngalan ay sinabi ng senador na isa nang “enrolled bill” ang kanyang naturang panukalang batas para sa pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinomento ito ni Lacson sa tweet na tungkol sa pagkamatay ni cardiologist Dr. Raul Jara dahil sa COVID-19.

“One doesn’t need to know him personally to feel the grief,” panimula ng senador, Marso 24.

“If it’s any consolation at all, the P1M death claim, among other benefits granted to public and private COVID 19 health workers has retroactive application. The measure is now an Enrolled Bill for the President’s approval,” wika pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?