154

By

P15M smuggled na sibuyas, asukal, bigas mula China nasamsam

Nasa mahigit P15 milyong halaga ng mga smuggled agricultural product mula China ang nabisto sa Manila International Container Port.

Kabilang sa mga nakumpiskang agricultural product ang sibuyas, asukal at bigas.

Maliban sa mga nabanggit na agricultural product, 1,300 smuggled na pagkain, gamot at iba pang non-perishable item ang nadiskubre sa apat na misdeclared shipment na dumating sa bansa noong Hunyo.

Nangako naman ang mga awtoridad sa patuloy nilang anti-smuggling effort para sa revenue collection ng bansa at para na rin protektahan ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?