42
P12M nakumpiskang pera sa vote-buying
By

P12M nakumpiskang pera sa vote-buying

Aabot sa mahigit P12 milyon ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa serye ng mga vote-buying sa katatapos na midterm elections kung saan sa Caraga Region ang may pinakamalaking nasabat na aabot sa P8 milyon.

Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Police Colonel Bernard Banac na aabot sa kabuuang halagang P12,208,958 ang nakumpiskang pera ng pulisya hanggang noong Mayo 14 kontra vote-buying sa buong bansa.

Aabot naman sa 356 katao ang nadakip mula sa 225 operasyon kontra insidente ng vote-buying nationwide.

Pinakamalaking bilang ng nadakip na mga suspek sa vote-buying ay sa Metro Manila kung saan aabot sa 136 katao ang inaresto sa siyam na insidente habang kabuuang P541,000 pera ang nasamsam sa mga operasyon.

Sa ayon pa kay Banac, sinampahan na ng kaso ang mga nadakip na suspek habang ang mga nasamsam na pera ay gagamiting ebidensya laban sa mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?