1,084

By

P11B ginastos ng BCDA para sa SEAG, inutang pa sa Malaysian Bank – Drilon

Sa P624-billion na deficit ng gobyerno ngayong taon, P11-billion dito ay mula sa ginastos para sa New Clark City (NCC) construction para sa 2019 Southeast Asian Games (SEAG).

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon sa panayam sa ‘Headstart’ ng ANC, kakailanganin ng PH government na magbayad ng P2.2-billion dahil sa NCC na Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang nag-develop kahit pa ilang event lang ang gaganapin dito.

“Remember that we, in this budget this year, we have a deficit of P624 billion for which we have to borrow in order to finance that deficit at an interest of I don’t know how much,” pakli ng mambabatas.

“But part of that deficit or 2 and a half percent of that deficit would be the cost of staging these games,” aniya pa.

Noong Lunes ay nasilip ni Drilon ang ginastang P50-million para sa paggawa ng stadium cauldron na tingin niya’y hindi sulil dahil kaya na sanang magpatayo ng 50 classroom sa nasabing presyo.

“We are incurring a loan here. Inutang natin ito from a Malaysian bank. That would be payable in five years time at P2.2 billion per year. So that’s a total of P11 billion. So it was financed by borrowing, mind you,” giit ni Drilon.

Maghahain si Drilon ng resolusyon para malaman ang eksaktong pinagkagastusan ng gobyerno para sa regional meet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?