21

Jun 1, 2020 @ 15:29
By

P11.7B pondo sa contact tracer ipanggamot na lang sa COVID carrier – Sotto

Nanawagan si Senate President Vicente Sotto III kay Health Secretary Francisco Duque na isantabi na lang ang pag-hire ng mga contract tracer bilang dagdag na hakbang para makontrol ang pagkalat ng novel coronavirus.

Ayon kay Sotto, mas mainam na gamitin ng lang DOH ang P11.7 bilyong pondo para sa pagkuha ng 130,000 contact tracers sa pagpapagamot ng mga nahawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“We need funds to treat our sick kababayans. Mas mahalagang gamitin na lang ang pondong ito para sa pagbili ng mga gamot at medical equipment na makakatulong sa paggaling ng mga pasyente,” sabi ni Sotto.

“What I am suggesting is for the DOH to be more prudent on how the country’s funds are being used. But of course, the decision is still with the President,” dagdag pa nito.

Nababahala ang senador na baka masayang aniya ang naturang pondo lalo na’t gagamitin aniya iyon sa mga taong hindi pa sanay sa naturang trabaho.

Nabatid na sinabi ni Health Undersecretary Rosario Vergeire na dapat may isang tracer sa bawat 800 populasyon para maging epektibo ang contact tracing, .

Sa ngayon, wika ni Vergeire, 38,000 pa lang ang na-hire kahit ang nirekomenda ng World Health Organization para sa ‘Pinas ay 126,000 na contact tracer.

“You cannot just deploy anyone to do the job. Contact tracing can only be effective if you use people who are trained in investigation like how they handled it in Baguio,” sabi ni Sotto.

“If the DOH hires people who have no experience in investigation, then the program is practically useless. The people they will hire will just ask black and white questions and get answers that will not yield the needed information to help the government track down people who might have contaminated the virus,” dagdag nito.

Kailangang pa aniyang turuan ang mga ‘neophyte’ o baguhang contact tracer, na maaring magpaantala sa proseso.

Maari naman umanong makipagkoordina ang DOH sa kanilang contract tracing effort sa ibang government agency na may karanasan at kakayahan na maglibot sa bansa.

Nauna nang sinabi ni Duque sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole na naglaan ang ahensiya ng P1.7 bilyon para pondohan ang contract tracing effort laban sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?