101
sandiganbayan
By

P102B Marcos forfeiture case binasura ng Sandiganbayan

Binasura ng Sandiganbayan ang P102-billion forfeiture complaint na sinampa laban kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, sa biyuda niyang si Imelda at kanilang mga crony.

Sa 67-pahinang desisyon, sinabi ng Sandiganbayan Second Division na nabigo ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) na magpresinta ng ebidensiya para patunayang may pananagutan ang mga akusado kabilang na ang partisipasyon ng mga ito sa extending loan accommodation sa Aklan Bulk Carriers Inc., Fuga Bulk Carriers Inc., Coron Bulk Carriers Inc., at Ecija Bulk Carriers Inc.

“It saddens the Court that it took more than 30 years before this case is submitted for decision and yet, the prosecution failed to present sufficient evidence to sustain any of the causes of action against the remaining defendants,” nakasaad sa inilabas na desisyon.

Ang PCGG ang siyang naatasang bumawi sa umano’y ill-gotten wealth ng mga Marcos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?