4,895

By

P100K sa mga aabot sa 100-anyos, bawasan – Revilla

“Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.”

Ito ang sinabi ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. kasunod nang pagsulong nang panibagong panukalang batas para amyendahan ang Section 2 of RA 10868 of the Centenarians Act of 2016 o pagbibigay ng cash gift na P100,000 sa bawat Pilipino na makararating sa edad na 100.

Sa ilalim ng kanyang panukala, ang 100,000 cash gift ay dapat hatiin na sa tatlong bahagi—ang unang P25,000 ay ibibigay sa mga aabot ng 80 anyos; Ang susunod na P25,000 ay para sa mga aabot ng 90 anyos; at ang natitirang P50,000 ay ibibigay sa mga aabot naman ng 100 anyos.

Ayon sa senador, napapanahon ang panuklang batas na ito dahil pababa na nang pababa ang porsiyento ng mga Pinoy na umaabot ng edad na 100 dahil sa patuloy na pagtaas antas ng pamumuhay kasama na ang napakamahal na presyo ng gamot at pagpapagamot.

Ang panukalang batas ni Revilla ay suportado ng inilabas na datos ng World Health Organization (WHO) na nagsasad na mula taong 2016 – ang haba ng buhay ng lalaking Pinoy ay umaabot na lamang sa 66 at 73 naman para sa mga babae.

“Kung ganito ang sitwasyon, dapat amyendahan na ang batas para pakinabangan ng ating mga matatandang kababayan ang ibinibigay na cash gift ng pamahalaan,” sabi ni Revilla.

“Dapat na pakinabangan na ng ating mga lolo at lola ang pera para maipambili ng kanilang mga pangangailangan tulad ng gamot,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?