61

By

P1.5M party drugs, nasabat sa tulong ng Grab driver

Narekober ng mga awtoridad ang nasa P1.5 milyong halaga ng party drugs sa Makati City dahil sa isang Grab driver.

Ayon sa ulat, naghinala umano ang GrabExpress driver nang tumanggi ang dalawang college student na buksan ang laman ng kanilang package na ihahatid sana sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Ito ang nagtulak sa driver para i-deliver ang package sa istasyon ng pulisya.

Nagresulta rin ito sa pagkakaaresto sa dalawang estudyante dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Pinapurihan naman ng Grab ang pagiging vigilance ng driver.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?